Audeliver demo podcast: Huling Gabi Lyrics by Juan Miguel Severo

Huling Gabi Lyrics by Juan Miguel Severo

Published on Mon, 11 Feb 2019 22:55:12

Pangarap ko ang makalayo sa pangarap ko na dinulot mo ang matulog sa gabi nang 'di alintana ang ginaw at 'di humihiling na ang kapiling ay ikaw Ikaw na rin ang minsang nagbanggit sa mga katapusang hindi mo maipipilit Kung kinabukasa'y matutunan kong umiwas, matitiyak ko ba na mabigyan ako ng lunas sa mga sakit na dulot ng iyong 'di paglingon, iyong 'di pagtanaw, iyong 'di pagtugon? Kung minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi at ipinapangako kong ito na ang huli Hindi na maghahangad ng 'di mo maibabalik Isang unos ang muling susuungin, isang kasinungalingan ang yayakapin Mamamatay ang ilang kapalit ng isang pagkakaibigan Masisisi mo ba kung ito ang kinakailangan ng mga sakit na dulot ng iyong 'di paglingon, iyong 'di pagtanaw, iyong 'di pagtugon? Kung minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi at ipapanalangin kong ito na ang huli Hindi na maghahangad ng 'di mo maibabalik Sa mga sakit na dulot ng iyong 'di paglingon, iyong 'di pagtanaw, iyong 'di pagtugon Kung minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi at ipinapangako kong ito na ang huli 'Di na magpapatinag sa iyong mga pagtawag at itatanggi sa sarili na ikaw pa ang hangad Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi.


download MP3 duration 0:04:16, size 3.91 MB