Audeliver demo podcast: LARO TAYO ? - Spoken Poetry Michelle Bundalian

LARO TAYO ? - Spoken Poetry Michelle Bundalian

Published on Fri, 16 Mar 2018 17:47:54

Tagos sa puso lahat.. (C) Michelle Bundalian Laro tayo? Ni: Michelle Bundalian Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod, wala sa harap, magbilang ka nang tatlo, magtatago na ako. Isa, Dalawa, Tatlo, Teka, magtatago pa ba ko? Nung nasa harapan mo nga ko, hindi mo na ko makita? Pano pa kaya pag nagtago pa ko? Walang saysay ang nahanap kong liblib na taguan, kung wala naman sa plano mo, ang ako'y matagpuan. Para saan pa ang pagtatago ko, kung iba naman ang hinahanap mo? Matanong ko lang, Hindi ka ba talaga interesado sa larong tagu-taguan? O sadyang ayaw mo lang sa kalaro mo, kaya biglang kang nagbubulag-bulagan? Kung ayaw mo ng larong tagu-taguan, sabihin mo lang para mapalitan natin ng habol-habulan. Wag kang magalala ako na ang taya, hahabulin kita, habang hinahabol mo sya. Pero bakit pati sa larong habol-habulan, hindi mo parin ako makita? tapos na ang tagu-taguan pero bakit bulag ka parin? Ay oo nga pala, Oo nga pala, Pano mo nga naman ako makikita? Kung ayaw mo naman akong lingunin? Kung sa bagay, lagi ka lang naman kasi sakanya nakatinggin. Kaya hindi na ko magugulat na kahit sa larong ito, hindi mo parin ako mapansin. Siguro nga't kelangan ko lang tanggapin, na sa laro ng pag-ibig, malabo mo kong mahalin.


download MP3 duration 0:05:46, size 5.28 MB